Nasunog ang bahay ng pamilya at mga kaanak ni self-confessed drug lord Kerwin Espinosa Jr. sa Sitio Cahipa, Barangay Hipodromo, Cebu City.
Batay sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa dalawang palapag na bahay ng isang Ramie Inopiquez pasado alas tres ng hapon.
Itinaas pa ang sunog sa Task Force Alpha bago ito ganap na maapula mag-aalas diyes ng gabi.
Kabilang sa natupok ang apat na bahay ng pamilya Espinosa kasama ang kanilang dalawang dekada nang ancestral house.
Habang sa kabuuan, nasa 115 na mga bahay ang nadamay sa sunog at mahigit 190 na pamilya ang nawalan ng tahanan.
Patuloy namang inaalam ang sanhi ng sunog.