Magdedesisyon ang mga prosecutor ng Department of Justice o DOJ nang batay sa ebidensya at hindi sa espekulasyon sa mga kaso ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr.
Ito ang tiniyak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla matapos salakayin ng mga pulis ang tahanan ni Teves sa Barangay Poblacion sa bayan ng Basay kung saan may mga nakitang baril, bala at granada.
Sinabi ni Remulla na legal ang operasyon ng mga awtoridad at may dalawang search warrant na inisyu ang korte ukol dito.
Samantala, tiniyak din ni Remulla na dadaan sa due process ang criminal complaint laban kay Teves na may kinalaman umano sa ilang kasong pagpatay noong 2019.