Sinalakay ng mga pulis ang bahay ni dating Malaysian Prime Minister Najib Razak.
Bitbit ang search warrant, naghalughog ang mga pulis ng ebidensya at mga dokumento sa bahay ni Razak na isinasangkot sa katiwalian.
Maliban dito, may namataan ding mga pulis sa isang luxury condominium sa Kuala Lumpur kung saan mayroon ding apartment si Razak.
Kabilang sa mga akusasyon laban kay Razak ay ang kontroberysa sa multi –billion dollar scandal sa One Malaysia Development na itinayo ng dating Punong Ministro.
—-