Tinupok ng apoy ang tahanan ng legendary musician na si Freddie Aguilar sa North Fairview Quezon City kagabi.
Batay sa ulat, nagsimula ang sunog dakong alas-11:04 ng gabi sa music room sa ground floor ng bahay ng pamilya Aguilar na umabot sa first alarm.
Tinataya namang aabot sa 15 milyong piso ang halaga ng mga naabong ari-arian ng pamilya Aguilar kabilang na ang lahat ng kanilang memorabilia, mamahaling instrumento, orihinal na record ng mga kanta ng singer at mga parangal na natanggap nito.
Ayon kay Aguilar, ikinalulungkot niya ang nangyari lalo’t walang katumbas na halaga ang mga nasunog na souvenirs sa kanyang pag-awit gayunman kanyang ipinagpapasalamat na walang nasaktan sa kanyang pamilya.
Patuloy namang inaalam ng Bureau of Fire Protection o BFP ang dahilan ng sunog na naapula dakong alas-11:38 ng gabi.
#TINGNAN Gitarang ginamit ng singer/ composer/ political activist na si Fredie Aguilar sa inagurasyon ni Pangulong Duterte, naisalba matapos ang nangyaring sunog sa kanilang bahay sa North Fairview, Quezon City. | via @gilbertperdez pic.twitter.com/iCBjhIfGhZ
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 2, 2018
(Ulat ni Gilbert Perdez)