Dinumog ng maraming tao ang tahahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City para sa tradisyunal na gift giving activity.
2:00 ng madaling araw pa lamang ay nagsimula nang pumila ang marami sa pagnanais na makatanggap ng regalo mula sa Pangulo.
Hindi naman nabigo ang mga ito nang pagkaloob sila ng Pangulo ng gift bag na may lamang de lata, bigas, 300 pesos worth gift certificate, pamasahe at fast food items.
Present naman sa lugar ang mga pulis at traffic enforcer upang masiguro ang kaayusan at seguridad.
Nakasanayan ang pag-pila ng mga namamasko sa tahanan ng Pangulo simula pa nuong alkalde pa lamang siya ng Davao City.