Nagsimula nang tumanggap muli ang Bahrain ng mga foreign workers partikular ng mga Pilipino.
Ito ang inanunsyo ni Philippine Ambassador to Bahrain Alfonso Ver matapos matigil ang pagtanggap nila ng mga dayuhang manggagawa dahil sa banta ng COVID-19.
Ayon kay Ver, nananatili paring in-demand ang mga Pilipino duon dahil sa pagiging kilala sa pagbibigay ng magandang serbisyo.
Sa ngayon ay may 362 Pinoy ang positibo sa COVID-19 sa Bahrain habang 11 na ang nasawi.