Hinamon ng grupo ng mga meat processors ang Bureau of Animal Industry (BAI0 na tukuyin ang mga brand ng meat products na sinasabing nagpositibo sa African Swine Fever (ASF).
Kasunod ito ng ulat na nagpositibo sa naturang sakit ang sinuring hotdog, longganisa at tocino.
Ayon kay Philippine Association of Meat Processors Incorporated (PAMPI) Vice President Jerome Ong, tatamaan ang buong industriya ng mga meat processor kapag hindi tinukoy ng BAI kung anong kumpanya ang nagpositibo sa SF.
Una nang lumabas sa social media ang ulat ng BAI ngunit itinago dito ang pangalan ng manufacturer ng ASF-positive meat products.