Naglagay na ang Bureau of Animal Industry ng foot bath sa Ninoy Aquino International Airport para mapigilan ang pagpasok ng ASF o African Swine Flu sa bansa.
Ayon sa BAI, maging ang mga frozen at meat products ay kinukumpiska na atsaka lalagyan ng disinfectant ang bahagi ng pasahero para mamatay ang virus.
Samantala, ipinagbawal naman sa probinsya ng Ilocos Sur ang pagpasok ng live pigs at frozen meat para makaiwas sa ASF.
Sa kabila ng takot, siniguro ng probinsya na ligtas pa rin ang pagkunsumo ng bagnet at longganisa na kilalang produktong pagkain sa Ilocos.
Nanatili pa anilang sapat ang suplay ng karneng baboy sa probinsiya.
Una nang naglagay ng 24 hours na animal checkpoint sa ilang lugar na apektado ng sunod- sunod na pagkamatay ng mga alagang baboy.