Nagpulong na ang Bureau of Animal Industry (BAI) at ang mga poultry stakeholder upang pag-usapan kung paano tutugunan ang kakulangan ng suplay ng manok sa bansa.
Ayon kay BAI Director Reildrin Morales, iniromenda nila at ng mga poultry ang paggamit ng life cycle model na magtitiyak ng suplay ng mga manok.
Habang kasama rin sa plano ang maagang pagre-report ng mga farms na apektado ng bird flu, upang mapabilis ang indemnifacation process at makapagsimula muli ng produksyon.
Batay sa huling datos ng National Meat Inspection Service, pumalo na sa 346 milyong mga manok ang kinatay mula january hanggang june 2021, kumpara sa 349 milyong manok na kinatay ngayong taon.