Nagbabala ang Bureau of Animal Industry (BAI) sa publiko hinggil sa pagbili ng mga alagang hayop online.
Ayon sa pamunuan ng BAI, hindi dapat anila tangkilikin ang mga online sellers ng mga alagang hayop tulad ng mga nagbi-breed ng mga aso’t pusa, lalo na kung walang animal welfare certificate registration ang mga ito mula sa ahenysa.
Ang naturang certificate mula sa ahensya ay kinakailangan sa ilalim ng animal welfare act of 1998 RA 8485.
Ang babala ng BAI sa publiko, ay kasunod ng natanggap nilang report mula sa mga bumili ng mga alagang hayop online, dahil anila sa una’y tila malusog at maliksi ang mga ito pero kinalauna’y lumalabas na may malalang karamdaman pala ang mga ito.
Paalala naman ng pamunuan ng BAI sa publiko, huwag padalos-dalos sa pagbili at siguraduhing sa mga mapagkakatiwalaang mga breeders o petshops lang na may kaukulang dokumento bumili ng mga aalagaang hayop.