Inihayag ng isang senador na hindi dapat mangyari na walang matakbuhan ang mga naghihingalong pasyente at may mamatay sa emergency room dahil wala nang hospital beds para sa mga ito.
Ito’y ayon kay Senate Committee on health Chairman Senador Bong Go, makaraang manawagan na bantayan ang healthcare system ng bansa upang maiwasan ang pagbagsak nito.
Sinabi ni Go na dapat mayroon pang mga bakanteng ospital para sa mga severe at critical cases ng COVID-19.
Kasunod nito, ipinaalala ni Go sa pamahalaan na bilisan ang pamamahagi ng tulong sa NCR-plus para walang magutom habang pinaghahanda din niya ng food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) lalo na sa mga lugar na may lockdown.