Nakitaan ng bakas ng mga pampasabog ang mga bangkay ng mga biktima ng bumagsak na eroplano ng EgyptAir na biyaheng Cairo mula Paris, France.
Gayunman, hindi na nagbigay pa ng detalye ang Egyptian investigators sa kung nagkaroon nga ng foul play sa naturang trahedya.
Sinasabing agad na dinala ng mga awtoridad sa prosecutors ang mga nakalap nilang findings.
Matatandaang bumagsak sa pinakamalalim na bahagi ng Mediterranean Sea ang flight MS 804 noong Mayo 19 kung saan nasawi ang 66 kataong sakay ng naturang eroplano.
By Ralph Obina