Mababawasan ang araw ng bakasyon ng mga guro sakaling magsimula ang School Year 2021-2022 sa ika-23 ng Agosto.
Ayon kay Raymond Basilio, Secretary General ng Alliance of Concerned Teachers-Philippines, hindi pa man nareresolba ang isyu sa overtime pay ng mga guro, eto naman ngayon ang usapin sa kanilang bakasyon.
Aniya, sa halip na 80 araw ang bakasyon ng mga guro na naaayon sa batas, magiging 59 na lang ito.
Ani Basilio, handa naman ang mga guro na magbigay ng serbisyo at maglingkod kahit sa panahon ng pandemya, ang tanging hiling lamang umano nila sa Department of Education ay kilalanin at igalang ang kanilang batayang karapatan ibigay ang karampatang benepisyo.