Limitado lamang sa Marawi City ang nagaganap na bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng Maute Group kaya’t hindi tamang idineklara ang Martial Law sa buong Mindanao
Inihayag ito ni Senador Antonio Trillanes IV makaraang igiit na kumpiyansa siya na kayang iresolba at kontrolin ng mga otoridad ang sitwasyon sa marawi kahit pa walang batas militar.
Ayon pa kay Trillanes, mukhang gigil na gigil na magdeklara ng martial law ang Pangulo kung saan hindi na binigyang pagkakataon ang AFP na aksyunan at kontrolin ang sitwasyon bago nagpasya kung kailangan nga ba ang pagdedeklara ng batas militar.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno