Mas naging malapitan na ang bakbakan ng mga sundalo at terorista sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ayon kay Maj. Gen. Ronnie Evangelista ng Civil Relations Service ng AFP, door to door na ang sagupaan sa lungsod.
Ngangahulugan ito na iniisa-isa ng militar ang bawat kwarto sa isang gusali o bahay na kanilang pinapasok para mahanap ang mga bandido.
Mas mahirap na rin anyang tumawag ngayon ng airstrike dahil mas malapit na rin ang posisyon ng mga sundalo sa mga terorista.
Sa ngayon ay nasa 60 na lamang ang mga ISIS-Maute members sa lungsod kaya’t araw-araw ang pag-usad ng mga sundalo at kada araw ay may mga nababawi silang gusali.
By: Drew Nacino / Jonathan Andal
Bakbakan ng mga sundalo at Maute sa Marawi naging malapitan na was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882