Tumuntong na sa isandaang araw ang bakbakan sa Marawi City.
Batay sa record ng military, halos walong daan (800) na ang napapatay sa sagupaan ng mga sundalo at Maute group.
Anim na raan at labing pito (617) rito ay mga terorista, mahigit isandaan naman ang mga sundalo at 45 ay mga sibilyan.
Ipinaabot ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Brigadier General Restituto Padilla ang apila para sa patuloy na dasal upang mapabilis ang pagresolba sa problema sa Marawi City.
Umaapila rin aniya sila ng suporta para sa mga sundalong ginagawang ang lahat para maibalik sa normal ang sitwasyon sa lungsod at mailigtas ang mga natitira pang mga bihag.
Lumalabas sa pagtaya ng militar ang 40 terorista na lamang ang nasa loob ng Marawi kabilang na sina Isnilon Hapilon at Maute brothers na sina Abdullah at Omar.