Isang engkuwentro ang sumiklab sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Indanan Sulu.
Ayon kay Western Mindanao Command (Wesmincom) Commander Lt. General Corleto Vinluan Jr., tumagal ng 20 minuto ang bakbakan sa pagitan ng militar at tinatayang 15 miyembro ng Abu Sayyaf.
Pinaniniwalang mga tauhan ito nina ASG Leader Mundi Sawadjaan at Radulan Sahiron.
Sinabi ni Vinluan, walang nasawi sa panig ng militar habang hindi pa nila matiyak sa grupo ng mga bansido.
Narekober naman sa lugar ng engkuwentro ang ilang mga matataas na kalibre ng armas, tatlong duyan, dalawang pares ng combat boots, dalawang backpack at kopya ng passport ng pinaniniwalang pagmamay-ari ng dalawang Indonesian nationals.