Itinakda na sa Abril a-bente tres ang bakbakan sa pagitan nina eight division world champion Manny Pacquiao at British boxer Amir Khan.
Sa kanyang post sa Twitter, kinumpirma ni Pacquiao na napagkasunduan na ng magkabilang panig na isagawa ang laban sa nabanggit na petsa.
Gayunman, hindi pa tukoy ang venue ng naturang laban.
Matatandaang noong nakaraang linggo, inanunsyo ng adviser ng pambansang kamao na si Michael Koncz na posibleng idaos ang Pacquiao-Khan fight sa Dubai o Abu Dhabi.
By Meann Tanbio