Nagmatigas si Environment Secretary Gina Lopez sa kaniyang desisyong ipasara ang 23 malalaking minahan sa bansa sa kabila ng magiging desisyon ng MICC o Mining Industry COORDINATING council.
Ayon kay Lopez, tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang kaniyang susundin at makapagpapabago sa kaniyang pasya lalo na kung i-uutos sa kaniyang baliktarin ang kaniyang desisyon.
Binanatan din ni Lopez si Finance Secretary Carlos Dominguez dahil sa aniya’y pang-aabuso nito sa kapangyarihan matapos nitong balangkasin ang MICC nuong buwan ng Pebrero.
Giit ni Lopez, malinaw na may motibo si Dominguez sa paglikha ng MICC at iyon aniya ay upang pangalagaan ang interes nito sa isa sa mga kumpaniyang pagmamay-ari ng finance chief na tinamaan din ng kaniyang desisyon.
By: Jaymark Dagala