Plantsado na ang laban ni 4-Division World Champion Nonito Donaire sa darating na Abril para idipensa ang kanyang WBO Super Bantamweight Belt.
Ito ay matapos kumpirmahin ni Top Rank CEO Bob Arum na si Zsolt Bedak ang makakaharap nito sa naturang bakbakan.
Naniniwala si Arum na magiging maganda ang kalalabasan ng Donaire-Bedak fight dahil sa kapwa aniya magaling ang naturang mga boksingero.
Ang Hungarian boxer na si Bedak ay nakilala dahil sa kanyang technical boxing skills.
Ang salpukang Donaire-Bedak ay gaganapin sa Abril 23 sa Araneta Coliseum dito sa Pilipinas.
By Ralph Obina