May kondisyon si English boxer Amir Khan para tanggapin ang laban kontra kay 8-Division World Champion Manny Pacquiao.
Ayon kay Khan ito ay kung magkakasundo aniya sila ng kampo ng Pambansang Kamao sa hatian ng kita.
Kumpiyansa si Khan na tatabo ang kanilang laban sa pay per view at paid attendance.
Naniniwala din si Khan na magiging exciting ang kanilang pagtutuos ni Pacquiao dahil sa swak aniya ang kanilang istilo.
Nais ni Khan na ganapin ang laban sa United Arab Emirates (UAE) dahil sa malaki ring bilang ng mga Pakistani, Briton at Pinoy doon.
Si Khan ay dating sparring partner ni Pacquiao sa ilang laban ng People’s Champ.
By Ralph Obina