Nauwi sa tabla ang bakbakang Kiko Matos at Baron Geisler sa isinagawang Universal Reality Combat Championship o URRC sa Taguig City
Rumatsada ng suntok si Kiko kay Baron sa unang round ng laban dahilan upang magkaroon ito ng sugat sa kanang mata
Sinubukan ding i-pin down ni Kiko ang kalaban kaya nito nakuha ang 1st round ngunit mas naging agresibo naman si Baron sa 2nd round dahilan para tamaan sa tuhod at sikmura si Kiko
Naging dominante si Baron sa ikalawang round ng laban kung kaya’t lalong dumagundong ang sigawan mula sa mga fans
Nagsmistulang title bout ang paghaharap ng dalawang aktor na pawang undercard lamang ngunit mas inabangan kaysa sa main fight
By: Jaymark Dagala