Posibleng kaharapin ni dating World Champion Nonito Donaire Jr. sa susunod na taon isa pang world featherweight champion sa katauhan ni Oscar Valdez.
Ito ang inihayag ng promoter ni Donaire na si Top Rank CEO Bob Arum sa gitna ng pagnanais ng “The Filipino Flash” ng rematch kay Jessie Magdaleno.
Ayon kay Arum, kailangan munang sagupain ni Donaire si Valdez ng Mexico na isa rin sa mga upcoming star ng Top Rank.
Magka-singlaki lamang anya si Donaire at Valdez, malakas sumuntok, may agresibong istilo at matinding kombinasyon kaya’t magiging kapanapanabik ang bakbakan ng dalawa.
Kailangan lamang bumaba ng 126-pound si Donaire upang mailarga ang laban.
By Drew Nacino