Hindi na matutuloy pa ang bakbakang Manny Pacquiao at Amir Khan sa Mayo 20.
Ayon kay Top Rank CEO Bob Arum, patay na ang naturang laban dahil sa usapin ng kita.
Dahil dito, sinabi ni Arum na balik sa umpisa ang paghahanap nila ng kalaban para kay Pacquiao na posibleng si Jeff Horn ng Australia.
Matatandaang una nang sinabi noon ni Arum na maisasakatuparan lamang ang labang Pacquiao at Khan kung maaabot ang tatlumpu’t walong (38) milyong pisong premyo na iaalok ng mga investors sa United Arab Emirates.
By Ralph Obina