Puspusan na ang paghahanda ngayon ni Fighting Senator Manny Pacquiao para sa kanyang laban kontra kay Jeff Horn sa Hulyo 2.
Kaugnay nito, sinabi ni Pacman na kanyang i-aalay ang kanilang laban ni Horn para sa mga naapektuhan ng pag-atake sa Marawi City gayundin ang mga nabiktima ng kalamidad.
Samantala, ikinatuwa naman ni Coach Freddie Roach ang pagkakasabay ng adjournment ng sesyon sa kongreso at ang training ni Pacman.
Ayon kay Roach, magandang pagkakataon ito upang matutukan ni Pacquiao ang kaniyang pagsasanay para maipanalo ang kaniyang laban.
By Jaymark Dagala