Maraming pagkain ang nakakatulong para maging maayos o mapababa ang blood pressure ng isang tao sa natural na paraan.
Ang high blood pressure o hypertension kasi ay isang kundisyon na nakakaapekto sa maraming tao dahil sa mataas ang puwersa ng daloy ng dugo sa ating mga ugat na nagiging dahilan para mastroke at magkaroon ng heart attack.
Dahil dito, mayroon nang ibat-ibang pagkain na indikasyon upang mabago ang lifestyle at maiwasan ang ating blood pressure.
Isa na dito ang baked potato na mayaman sa magnesium at potassium na pangunahing kailangan ng ating mga puso.
Bukod pa dito, nakakatulong din sa pagpapababa ng dugo ang saging, celery, buko, dark chocolate lalo na ang bawang na may sangkap na allicin na nagtataglay ng anti-bacterial, anti-fungal, anti-oxidant at anti-viral properties na pumupuksa sa ibat-ibang klase ng bacteria sa katawan ng isang tao upang mapaganda ang ating health condition. –Sa panulat ni Angelica Doctolero