Wala pa rin umanong malinaw na paliwanag ang Commission on Elections o COMELEC kung bakit naaantala ang honoraria ng mga gurong naglingkod noong nakaraang halalan.
Sa panayam ng DWIZ, binigyang diin ni Alliance of Concerned Teachers National Chairperson Benjie Valbuena na bagama’t may nakuhan nang cash card ang ilang guro ay wala naman umanong laman ang mga ito.
Giit pa ni Valbuena, sa 475,000 board inspectors noong May 9 elections ay mayroon pang mahigit 100,000 teachers at support staff ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang allowance at honoraria.
Bahagi ng pahayag ni ACT Chairperson Benjie Valbuena
By Jelbert Perdez | Karambola