Palpak na sistema sa Bureau of Customs o BOC ang isa sa nakitang dahilan ng Kongreso kayat nakalusot ang mahigit sa 600 bilyong pisong halaga ng shabu sa loob ng bansa.
Ayon kay Congressman Jericho Nograles, lumabas sa kanilang imbestigasyon kung gaano kadaling makapagpalusot ng kontrabando dahil sa maling sistema sa pagharang ng mga kontrabando.
Maliban dito, inamin rin aniya sa Kongreso ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon na nahihirapan siya sa aspetong legal ng kanyang trabaho sa BOC.
“Merong tinatawag na green lane, nire-reserve lang yan sa mga siguradong hindi kailangang inspeksyunin, ang nangyari diyan sa Customs, ang default na settings ng bagong aplikante, bago, maski na isang araw ka lang na aplikante diyan, consignee, broker, etc. ang default ay green lane, hindi ba dapat baliktad yan, dahil hindi ka namin kilala ay dapat ka naming inspeksyunin from documents to physical inspection or just even x-ray inspection pero ang nangyari diyan sa Customs ay free flowing at free for all.” Pahayag ni Nograles
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas Interview