Alam mo ba na maraming dahilan kung bakit sumasakit ang likod ng isang tao?
Posibleng dahil ito sa maling posisyon sa pagtulog; maling posisyon sa pagbubuhat o hindi kaya ay dahil sa kanyang mabigat na timbang.
Bukod pa rito, lingid sa kaalaman ng nakararami na maaari rin maging sanhi ng pananakit ng likod ang stress.
Ayon sa ilang pag-aaral, kapag stressed at malungkot daw kasi ang isang tao, nababawasan ang produksyon ng ilang hormones at kemikal sa utak na nakatutulong upang mabawasan ang anumang sakit na nararamdaman sa katawan.
Kaya naman kapag lumiit ang produksyon ng mga kemikal na ito, lalong makararamdam ang pananakit ng likod.
Gayunman, payo ng mga eksperto mas makabubuti kung magpatingin pa rin sa mga doktor para malaman kung ano ang naaangkop na gawin sa iyong sumasakit na likod. – Sa panulat ni Kat Gonzales