Mas makabubuting tutukan ng pamahalaan ang bakuna kontra COVID-19 kaysa obligahin ang mga Pilipino hinggil sa pagsusuot ng face shield.
Ito ang panawagan nila Senador Risa Hontiveros at Joel Villanueva bilang rekasyon sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaaaresto ang mga tatangging magpabakuna.
Ayon kay Hontiveros, nagtataka siya kung bakit tila masigasig ang pamahalaan na punahin ang mga hindi naka face shield na dapat ay maging optional lamang at hindi mandatory.
Sa panig naman ni Villanueva, kinakapos ng suplay ng bakuna kontra COVID-19 ang bansa na siyang susi sana para maabot ang herd immunity pero walang maaaring pagpilian ang mga pilipino kundi magtiis sa pagsusuot ng face shield.
Binigyang diin ng dalawang senador na kapag naabot na ng bansa ang herd immunity ay hindi na kakailanganing magsuot ng face mask at face shield ang mga Pilipino kaya ito ang mas dapat pakatautukan ng gobyerno.