Isinasagawa ngayon ng Philippine Red Cross (PRC) ang bakuna bus vaccination sa University of the East (UE) sa lungsod ng Maynila.
Sinimulan ang pagbabakuna kaninang alas-nueve ng umaga kung saan target ng PRC na mabakunahan ang nasa apat na raang indibidwal kabilang ang mga estudyante ng faculty ng nasabing unibersidad.
Ang hakbang ng nasabing organisasyon ay bunsod ng paghahanda ng pamunuan na mabigyang proteksyon ang mga nasabing indibidwal ng UE sa pagsasagawa ng face-to-face classes ngayong nasa alert level 2 na ang Metro Manila.—sa panulat ni Airiam Sancho