Hindi na kailangang magdala ang mga botante ng mga vaccination card o swab test para makaboto sa May 9 elections.
Tugon ito ni COMELEC Commissioner George Garcia sa pangamba ng ilang netizen na maaaring itaboy ang mga botante kung hindi bitbit ang mga nasabing dokumento.
Ayon kay Garcia, walang katotohanan ang mga kumakalat na impormasyon lalo sa social media dahil maaari namang makaboto kahit walang dalang vaccination card at hindi nagpabakuna para sa COVID-19.
Hangga’t nasa voters list anya ang pangalan ng mga botante ay papayagan silang makapasok sa mga polling precinct.
Nilinaw din ni Garcia na hindi na kailangan ang negatibong COVID-19 tests pero ang mga COVID-19 positive o hinihinalang may sakit ay dapat i-quarantine.