Iginiit ni Health Secretary Ted Herbosa na hindi sagot ang bakuna kontra dengue outbreak.
Sa panayam ng DWIZ, ipinaliwanag ng Kalihim na prinoprotekhan lamang ng bakuna ang mga batang nagkaroon ng dengue.
Sa oras naman anya na maaprubahan ng Food and Drug Administration ang bakuna, ibibigay ito ng Department of Health sa mga doktor para iturok sa mga batang nangangailangan nito.
Sa ngayon, sinabi ni Sec. Herbosa na nag-plateau na ang kaso ng dengue sa Quezon City.
Patuloy namang pinapaalalahanan ng DOH ang publiko na agad na magpakonsulta sa eksperto sakaling makaranas ng sintomas ng nasabing sakit.