Makararating pa rin sa takdang oras ang mga bakuna kontra COVID-19 sa iba’t ibang lokal na pamahalaan para maipagpatuloy ang rollout sa kanilang nasasakupan
Ito ang pagtitiyak ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Guillermo Eleazar sa gitna ng sunud-sunod na pagdating ng mga bakuna sa bansa na idinidiretso naman sa cold storage facility sa Marikina City
Ayon kay Eleazar, may naka-angkla namang police escort ang lahat ng mga maghahatid ng bakuna, kaya’t malaya silang makararaan sa mga kalsada ng Metro Manila anumang oras
Batid naman ng PNP ang pagiging sensitibo ng mga bakuna, kaya’t hindi na nila ito sisitahin sakaling dumaan sa mga itinalaga nilang quarantine at border control points.
Una rito, inihayag ng pamunuan ng PharmaServ na bagama’t walang aberya sa pag-iimbak ng mga bakuna, nananatiling malaking hamon para sa kanila ang paghahatid nito sa mga bayan at lungsod sa bansa.