Inihayag ni National Task Force against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa na mas maraming COVID-19 vaccines na gawa ng Western Countries ang binili ng bansa kumpara sa bakunang gawa ng China.
Ayon kay Herbosa, 40M doses ng Pfizer COVID-19 vaccine, 20M doses ng Moderna at 17M doses ng AstraZeneca ang binili ng pamahalaan.
Muli namang ipinunto ng opisyal na lahat ng bakuna, anuman ang brand, ay epektibo laban sa COVID-19.
Samantala, sinabi pa ni Herbosa na pinataas ng pamahalaan ang vaccination output sa malalaking rehiyon tulad ng Central Luzon at CALABARZON upang maabot ang 54M na bilang ng fully vaccinated individuals bago matapos ang taon.
Batay sa datos ng National COVID-19 vaccination dashboard, 47M ng Pinoy ang fully vaccinated na laban sa COVID-19. —sa panulat ni Hya Ludivico