Posibleng sa huling quarter ng taong ito uubrang maturukan ng bakuna kontra COVID-19 ang mga Pilipinong may edad 12 hanggang 17.
Ito ayon kay FDA Chief Eric Domingo ay kung matitiyak ang sapat na supply ng COVID-19 vaccines.
Kasunod na rin ito nang inisyung Emergency Use Authorization (EUA) ng FDA sa Moderna vaccines para maiturok sa mga 12 to 17 years old Pinoys kahapon at noong nakalipas na buwan ang Pfizer vaccine para rin sa naturang age group.
Sinabi ni Domingo na maaaring i-prioritize muna ang mga kabataang may comorbidities sakaling maisama na sa vaccination program ng bansa ang mga kabataang may edad 12 hanggang 17.