Nagbahay-bahay na ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig para mabakunahan kontra COVID 19 ang kanilang mga residenteng bedridden.
Ginawa ng lungsod ang nasabing hakbang sa layuning palakasin pa ang kanilang COVID 19 vaccination program sa pamamagitan ng home service.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, marami kasi sa kanilang constituents ay mga Senior Citizen na may karamdaman at iyong mas nakababata subalit hindi na makapunta sa mga vaccination centers dahil sa kanilang sakit.
Pinangunahan nila Dr. Jennifer Lou De Guzman, head ng Taguig City Immunization at Dr. Regie Santos, Supervisor ng SM Aura Vaccination Hub ang patients for home service vaccination at isinagawa ang unang pagbabakuna kontra COVID-19 sa bahay ng mga babakunahan.
Kinakailangan lang tumawag ng mga residente na magre-request ng home service vaccination sa kanilang mga bedridden na miyembro ng pamilya sa mga designated telephone numbers ng Taguig Telemedics sa 31 barangay health centers ng lungsod gayundin sa Taguig City COVID-19 hotline
“In Taguig City, working diligently and deliberately is important, especially in the event of a health crisis. We must ensure that there are more locations and safer ways for residents, especially the vulnerable sector, to have access to the vaccine.” Pahayag naman ni Mayor Lino Cayetano.
Target ng Pamahalaang Lungsod ani Cayetano na mabakunahan ang lahat ng kanilang mga residente partukular ang tinatawag na vulnerable sector bilang pagsunod sa prioritization ng lungsod.