Nagsimula na ang Department of Health (DOH) na mag bakuna kontra Japanese encephalitis.
Kasunod na rin ito nang paglulunsad ng kampanya kontra Japanese encephalitis na may outbreak na sa regions 1, 2, 3 at Cordillera Administrative Region (CAR).
Kabilang sa mga binabakunahan ng DOH ang mga batang may edad siyam hanggang 59 partikular sa mga lugar na sakop ng mga naturang rehiyon.
Pinayuhan ng DOH ang publiko na gumamit ng repellents, light colored at long sleeced clothes, katol at vaporizers.
Ang Japanese encephalitis ay isang viral infection na dulot ng ribonucleic acid viruses (RNA) na nasa flavivirus genus.