Sinimulan na ng Estados Unidos ang pananaliksik para sa posibleng bakuna kontra sa sakit na nagmumula sa zika virus.
Nakukuha ang zika virus sa kagat ng lamok na ang epekto ay ang pagliit ng ulo ng isang sanggol.
Ayon kay Dr. Anthony Fauci ng National Institutes of Health, posibleng abutin ng ilang taon bago sila makagawa ng naturang bakuna.
Gayunman, sinabi ni Dr. Fauci na nagsimula na ang kanilang mga researchers at posibleng kumuha pa sila ng ilang eksperto mula sa Brazil para tumulong sa kanilang pananaliksik.
Una nang iniulat ng World Health Organization o WHO na kalat na ang sakit dulot ng virus sa mga rehiyon ng America, Africa maging sa Asya.
By Jaymark Dagala