Nakagawa na ng bakuna laban sa African Swine Fever (ASF) ang Vietnam sa pakikipagtulungan sa United States, na layong maging first global commercial exporter.
Ayon sa deputy minister ng agriculture and rural development sa Vietnam, itinuturing nilang historic event ang produksyon at commercial registration ng ASF vaccine.
Ang asf ay sumisira sa populasyon ng baboy sa Asya matapos itong ma-detect sa Vietnam noong 2019.
Milyon-milyong alagang baboy na rin ang inihiwalay sa mga kulungan matapos magkaroon ng outbreak sa Mongolia, Cambodia, Hong Kong at Mainland China.