Pinatitiyak ni AGAP Partylist Representative Nicanor Briones sa pamahalaan na epektibo ang ituturok na bakuna para sa mga alagang baboy kontra sa African Swine Fever (ASF).
Batay sa natanggap na impormasyon ng mambabatas, sinubukan lamang ang bakuna sa mga baboy.
Kasunod nito, hindi tiyak kung magiging epektibo ang bakuna para sa mga ito.
Nakukulangan naman si Rep. Briones, sa ginawang field trial ng bakuna.
Samantala, inihayag ng Bureau of Animal Industry na 100% nang matagumpay ang ginawang fielf trial sa bakuna sa 6 na babuyan sa Luzon kontra sa ASF.