Nasa 2M doses ng bakuna laban sa COVID-19, mag-eexpire sa June 30
Nasa 2M COVID-19 vaccine doses ang inaasahang mag-eexpire sakaling hindi magamit sa June 30.
Ito ang sinabi ni Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje pero sa katapusan ng buwang ito pa malalaman ang kabuuang bilang ng mga bakunang masasayang.
Dagdag pa niya na nagsumite na ang kagawaran ng demand forecast ng mahigit 30M doses ng bakuna.
Ito aniya ay ang mga pamalit sa mga nag-expire na at mag-eexpire pa lamang na bakuna kabilang ang brand na Sinovac, Aztrazeneca at Pfizer.
Samantala, sinabi ni Cabotaje na mahigit pitumput tatlo punto pitong milyong indibidwal na ang nabakunahan ng unang dose habang 6.71 ang nakatanggap na ng kumpletong bakuna laban sa COVID-19.