Muling hinikayat ng pamahalaan ang publiko na samantalahin na ang libreng bakunang ibinibigay para sa lahat.
Ito’y ayon kay National Task Force Against COVID-19 Adviser Dr. Ted Herbosa kasunod ng muling pagsirit ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ kay Herbosa, sinabi nito na bagaman may mga gamot nang maaaring panlaban sa COVID-19, mainam pa ring palakasin ang vaccination program upang magsilbing dagdag proteksyon lalo’t nariyan na ang banta ng Omicron variant.
“Ang dami nating supply, 210 million ang naparating natin sa taong 2021. 210 million doses of vaccine. So parang hundred plus dun ay naibakuna na natin, so yung remainder naka stock pile pa at ayan ay tuloy-tuloy sanang ibakuna natin bago pumasok dito ang Omicron variant.” Bahagi ng panayam ng DWIZ kay National Task Force Against COVID-19 Adviser Dr. Ted Herbosa.