Posibleng dumating na sa Pilipinas ang mga bakuna kontra COVID-19 na nilikha ng Pfizer at Gamaleya research institute sa susunod na buwan.
Ito ang inihayag ng Malakanyang kasabay ng pagtitiyak na walang “favoritism” sa pagbili ng pamahalaan ng anti-COVID-19 vaccine.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaasahang makatatanggap na ng mga bakuna galing Pfizer ang Pilipinas sa Pebrero bagama’t hindi pa niya maaaring idetalye ang eksaktong volume o dami.
Iginiit din ni Roque na tanging mga bakunang inaprubahan lamang ng Food and Drug Administration (FDA) ang gagamitin sa mass vaccination kontra COVID-19.
Una nang pinagkaloob ng FDA ng Emergency Authorization Use ang bakunang likha ng Pfizer-BioN’tech.
Hindi tayo pumapabor kahit anong brand, kung alin ang makakarating sa Pilipinas sa lalong mabilis na panahon dahil nais po ng ating Presidente na masalba tayo sa pagkakasakit, pero gaya ng aking sinabi na hindi ibig sabihin na palibhasa papasok na ang Sinovac sa Pebrero titigil na tayo ng effort na maka-angkat pa ng ibang bakuna galing sa ibang manufacturers…merong kaunting papasok din na Pfizer pagdating ng Pebrero , hindi rin po imposible na by February baka meron na rin tayong maangkat galing po sa Gamaleya ng Russia,”ani ni Roque.