Inanunsiyo ng Philippine Basketball Association (PBA) na hindi ito lalahok sa East Asia Super League (EASL) hangga’t wala pang available na bakuna kontra COVID-19.
Matatandaang nakipagsanib-puwersa ang EASL sa FIBA upang makabuo ng full-fledged league kung saan tampok dito ang mga koponan mula sa Pilipinas, China, Japan, at Korea.
Hahatiin ang mga teams sa iba’t ibang grupo at maghaharap sa pamamagitan ng isang home-and-away format.
Bubuksan sana ang unang season ng liga sa Oktubre ngayong taon.
Ngunit, ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, hindi pa sila maaaring sumali sa bagong binuong torneo dahil pa rin sa kasalukuyang krisis.