Inihayag ng pamunuan ng US Food and Drug Administration (FDA) na mabisa pangontra bagong variants ng COVID-19 ang single shot ng Johnson & Johnson vaccine.
Batay sa dokumentong inilabas ng US FDA, lumabas na may 85.9 percent efficacy ang naturang bakuna.
Dagdag pa ng us fda, magsasagawa ng pagpupulong ang isang independent panel para pagbotohan kung papayagan ng estados unidos na magamit sa kanilang bansa ang naturang brand ng bakuna kontra COVID-19.
Kung ang isinagawang clinical trials ang pagbebesehan, naging maayos ang naging resulta nito dahil walang naitalang kapansin-pansin na pagkakaiba o anumang negatibong epekto sa iba’t-ibang lahi at edad.
Sa huli, tiniyak naman ni white house COVID-19 response Coordinator Jeff Zients na oras na mabigyan ng awtorisasyon ang naturang brand ng bakuna ay mamamahagi sila ng tatlo hanggang sa 4 milyong doses ng nito sa susunod na linggo.