Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang programang ‘Bakuna nights’ para sa A4 category o economic frontliners.
Layunin ng programa na mabigyan ng pagkakataon ang mga empleyadong hindi makaliban sa trabaho o walang oras pumunta sa vaccination site sa umaga at hapon.
Bukas ang bakunahan sa Quezon City hall mula ala-6 ng gabi o pagkatapos ng working hours kung saan 2,000 indibidwal ang nakatakdang bakunahan gabi-gabi.
Plano ng Quezon City LGU na magbukas pa ng isang vaccination site para sa ‘bakuna nights’. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico