Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Pasig ang nighttime vaccination sa isang opisina ng Business Process Outsourcing (BPO) sa lungsod kasabay ng ikapaat na yugto ng “bayanihan, bakunahan” program.
Sa unang gabi ng bakunahan, aabot sa 100 BPO employees ang nabigyan ng booster shot.
Ayon Kay Pasig City Mayor Vico Sotto, challenge na sa kanilang maituturing ngayon ang maghanap ng mga mababakunahan kaya’t mas makakabuti kung ang pamahalaan na mismo ang lumapit sa mga ito sa kanilang workplaces.
Dagdad pa ng alkalde, hindi nila itinutulak ang bakuna nights noong nakaraang taon dahil ayaw nilang mapagod ng sobra ang kanilang frontliners.
Pero dahil ngayong nasa isang daang porsyento ng na ng target population at sektor ng lungsod ang bakunado na kontra COVID-19, oras na para ilapit na sa publiko ang kanilang booster shots. – sa panulat ni Abie Aliño-Angeles