Mas mabilis na mawala ang immunity ng bakuna sa mga indibidwal na maraming comorbidity.
Ito ang inihayag ni Dr. Nina Gloriani, Vaccine Expert Panel kasabay ng pagbibigay-diin sa halaga ng pagbabakuna.
Ayon kay Gloriani, mas maraming sakit, mas nagiging mababa ang proteksyon na naibibigay ng pagbabakuna kabilang na ang booster shot.
Kaya’t inirerekomenda aniya ng mga eksperto na magpaturok ng booster dose gayung may nakitang paghina talaga ng immunity pagkatapos ng 3rd dose.
Ngunit giit ni Gloriani na dapat unahin ang mga immunocompromised at mga elderly na sinisimulan nang bigyan ng 2nd booster dose.