Inaprubahan ng National Task Force against COVID-19 ang kahilingan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na karagdagang COVID-19 vaccines para sa mga nagtatrabaho sa manufacturing and construction industries.
Ayon kay labor secretary Silvestre Bello III, ang 452,000 doses ng bakuna ay ilalaan sa factory workers sa region 4A, 3 at 7 at construction workers sa NCR.
Pinuri ng kalihim ang naturang hakbang na magpapabilis aniya sa muling pagbubukas ng ekonomiya at pagbibigay ng proteksyon sa mga nagtatrabaho sa nasabing mga industriya.
Sinabi pa ni Bello na batid niya ang mga suliranin sa suplay ng COVID-19 vaccine, ngunit kinakailangan aniya na maglaan ng bakuna para sa mga trabahador na aktibong nagbibigay ng kontribusyon sa ekonomiya ng bansa.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico